
TARATAT... TARATAT... RIZAL! --o0o--- Room 213 - ang silid na saksi sa isang kasaysayan ng isang matatag na barkadahan at pamilyang di mapapantayan na magpakailanma'y di-malilimutan. ---o0o--- Apatnapu't limang estudyante, may kanya-kanyang ugali, paniniwala, pinagmulan, relihiyon at pamumuhay... Yan ang RIZALIANS. Apatnapu't limang estudyante ang sama-samang nangarap, tumawa, umiyak, nagsikap at nagpakasakit, upang itaguyod ang section na sinilangan, ang IV-RIZAL. ---o0o--- At paanong ang apatnapu't limang estudyante ay nakapagtatag ng isang pamilyang maituturing kung walang magulang na umaagapay? Dyan papasok si amang Michael Joves. Aba'y terror sa unang tingin, lovable at funny pala kung kilalanin. Sinong Rizalian ba ang makakalimot sa pauso niyang "Rizalian Sign?". Ang "Ohm My God! Ampeter!" at ang tagline niya isang umaga habang abala ang lahat sa assignment na "Rizal, tama na yan. Dapat kasi ginagawa yan sa bahay eh." at kanya-kanya nang tago ng assignment? Siya ang hero ng aming senior life. Ang nagpatindi sa amin ng tunay na pagkakaibigan na humantong sa iyakan at pagpapatawad sa loob ng chapel. Siya ang nagturo sa amin ng pagsisikap at pagtitiyaga na nagpa-champion sa amin noong sabayang pagbigkas. ---o0o--- Sa unang araw ng klase, paalala ni amang Joves. "Facité Diferentem." At ayon, natapos ang sampung buwan, sabay-sabay na lumabas ang apatnapu't limang estudyante mula sa isang simpleng silid, dala ang mga alaala ng matatag na samahan. ---o0o--- Facité Diferentem. We did it Rizalians!... We made difference. Salamat Sir Michael Joves. Mabuhay ang IV-Rizal! Taratat... Taratat... Rizal! ---o0o---
|
...Home ...Friends...Groups ...Comment Us! ...Send Message ...Send A Smile ...Add Bookmark
|
© 2009 Four Rizal '07-'08 |